Lalake sa Florida, napatay ng isang ligaw na bala sa isang party para sa kapapanganak niyang baby!
Isang ama sa Florida, napatay ng isang naligaw na bala, sa araw ng pag-uwi ng kanyang baby!
Tatlong araw matapos siyang maging isang ama, ang 33-year-old na si Steven Justin Ayers ay nagpa-party sa kanyang bahay sa Florida. Hindi niya inakala na ito na pala ang huling sandaling makakapiling niya ang kanyang baby...
Martes ng gabi, ang 62-year-old na si Charles Shisler, na nakatira sa bahay na katapat ng bahay ni Ayers, ay nakainom ng marami. Hindi malinaw kung bakit, pero napaputok niya ang kanyang 9mm pistol.
Umabot nang 200 feet ang bala, na tumagos sa bintana ni Shisler, lampas sa 60 feet ng kagubatan, at tumagos sa salamin na pintuan sa bahay ni Ayers...bago ito tumama sa likod ng ulo ni Ayers, na agad na namatay.
Ilang minuto lamang ay dumating na sa eksena ang mga pulis. Ayon sa mga report, si Shisler ay nagwawala at ayaw makipag-usap nang maayos sa pulis, pero napaamin din nila ito, na sinabing aksidente lang ang pagbaril kay Ayers. Inamin rin niya kung saan niya itinago ang kanyang baril, na sinabi niyang kinailangan niyang pindutin nang malakas ang trigger bago ito napaputok.
Si Shisler ay nakasuhan ng manslaughter at possession of a firearm by a convicted felon. Ang kanyang blood alcohol level, apat na oras matapos ang shooting, ay 0.79. Ang legal limit sa Florida ay .08.
Kung hindi siya pwedeng magmaneho dahil sa kanyang pagkalasing, higit naman siyang hindi puwedeng maglaro ng baril sa ganoong kondisyon.
Si Ayers at ang kanyang asawa ay magkasamang nagpe-perform sa isang banda, at sila rin ay nagbibigay ng music lessons. Binili nila ang kanilang bahay noong isang taon, para sa kanilang lumalaking pamilya.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH